Share

Gusto ni Carlo Aquino HAPPY ANG BASHERS

Sabi ni Carlo Aquino, wala na rin daw siyang magagawa sa mga basher sa social media.

Naging tampulan ng pang-aasar, pangto-troll, at pamba-bash si Carlo mula nang lumitaw ang mga litrato niya kasama ang napapabalitang dini-date niya ngayon na si Trina Candaza, na naging dahilan ng pagkalusaw ng pag-asa ng fans nila ni Angelica Panganiban na muli silang magkabalikan.

Anipa ni Carlo, in-off niya dati ang comments section ng kanyang social media accounts, pero in-on niya rin kalaunan. At kahit anong iwas niya raw sa bashing ay may mababasa’t mababasa pa rin siya.

Kaya’t ang solusyon niya sa mga ito—pabayaan na lang kung saan sila masaya.

“E, masaya sila sa paglaganap ng galit, e, di…” nasabi na lang ni Carlo.

#carloaquino

Video: Rachelle Siazon
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Posted In:

Leave a Comment