Share

Marco Gallo, nagkuwento kung bakit at paano sila nag-break ni Juliana Gomez

Tinanong muna si Marco Gallo tungkol sa ipinapareha sa kanya noon na si Kisses Delavin.

Aniya, naging malapit na magkaibigan lang talaga sila.

Pero nang tungkol na sa kanila ni Juliana Gomez ang tanong, ipinaliwanag niya na hindi pa niya nararanasan ang “real love.”

“Temporary thing” lang daw ang nangyari sa kanila ni Juliana.

Patuloy ni Marco, “The real love, I don’t know what it is yet. I don’t have an explanation for it. Probably ’cause I’m too young, or probably I cannot find it yet.

“Siguro naman kung totoo ang pagmamahal namin noon ni Juliana, e, di kami pa rin ngayon, di ba?”

Sagot naman ng isa sa mga reporter na kausap niya, umalis naman kasi si Marco kaya hindi na sila ni Juliana.

Gusto pa sanang itanggi ni Marco na naging sila nga ni Juliana, pero pinaalala sa kanya ng isa pang reporter na kausap na inamin na niya sa kanila na naging magkasintahan nga sila ng anak nina Leyte Representative Lucy Torres at Ormoc Mayor Richard Gomez.

Sunod na tinanong kay Marco ay kung paano sila nag-break ni Juliana.

Panoorin sa video ang pagkuwento ni Marco tungkol sa breakup nila ni Juliana at ang pahabol pang paglilinaw niya tungkol sa sinasabing pagkakaroon niya ng maraming girlfriends sa Italy.

#marcogallo #julianagomez #kissedelavin

Video: Noel Orsal
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Posted In:

Leave a Comment